Friday, September 20, 2019

Pagtakas Namin sa Mini-Santorini ng Cebu


Pagdating ko doon, ako ay nagandahan na agad sa view palang. Ang sulit na sulit sa mahabang biyahe from Cebu to Catmon. Nakamamangha ang dagat ang kalikasan na kahit saan ka tumingin maganda parin. 



Pagdating agad akong nag upo sa lilim ng puno ng niyog dahil doon ay nakakarelaks. Nakita sa muka ko na sulit talaga ang lahat na pinagdaanan para makapunta dito.




Ang lugar nito ay tinatawag na Bercede Bay Resort at malapit lang ito sa kalsada. Ito ay isang pribadong resort at ang ibig sabihin nito ay isa lang na accomodation ang tatanggapin nila at hindi sila tatanggap ng mga walk-in. Ibig sabihin makaka-enjoy kayo kasama ang pamilya at barkada na walang makakagulo sa inyo.



Sa pagsapit ng hapon, makikita mo ang ganda ng karagatan at ang abot-tanaw na makikita kahit saan ka titingin. Makikita mo buong maghapon ang ganda ng paglubog ng araw na nakakabighani.



Masusulit talaga ang araw mo dahil dito kayo lang ng mga mahal sa buhay ang makakasamo mo dito ng walang makakagulo sa inyo. At para sakin ito ang pinakamagandang karanasan ng aking paglalakbay.

Realisasyon:

       Malayo man ang iyong mararating, kapag kasama ang pamilya at mga mahalagang tao sa buhay mo, maging maganda ang iyong destinasyon at mapahalagahan mo ang kalikasan na gawa ng ating Diyos.
     





Thursday, September 19, 2019

Masayang Paglalakwatsa sa Paraiso

       Parang ito na ang aking pinakamasaya na karanasan sa mga lakbay na aming na nagawa at mga lugar na napuntahan. Dahil dito sa Bantayan Island, mararanasan mo ang lakbay ng iyong buhay.


     Una, pumunta kami sa Virgin Island pagkatapos naming mag check-in. Sa pagdating namin sa Virgin Island, naalala ko na ang sinasabi nila sa lugar na ito at ito pala ay totoo. Mala paraisong lugar at napakabughaw ng karagatan, ang sarap sa pakiramdam kasama ang barkada.


      Sa kalinawan sa tubig, napapatalon akong paulit-ulit sa sobrang saya. Sa maikling oras makalimutan mo na ang iyong mga problema ng buhay. Nag island-hopping kami dito sa Bantayan Island at buong araw kami lumilibot sa isla.


      Naniniwala ako sa kasabihang "Happy people are the best people" dahil dito mawawala ang inyong mga problema sa buhay kahit saglit lang at mararanasan mo ang pinakasayang karanasan sa iyong buhay.


      Sa pagsapit ng hapon, bumalik kami sa Ogtong Cave-Resort na aming na check-in. Ang grabe sa karanasan na ito, maraming ala-ala ang nagawa kasama ang barkada  at hindi namin malilimutan magpakailanman. 

Realisasyon:

        Kapag nandito ka sa ganitong lugar, mawawala ang mga bagay na pumoproblema sa atin. Pero kahit saan kayo mapadpad, kapag kasama ang pamilya, hindi na mahalaga ang lugar na mapupuntahan dahil maging paraiso ang lahat ng lugar kapag kasama ang mga mahal sa buhay. 

Thursday, September 12, 2019

"Teknolohiya Sa Pag-eeskwela"


Ang ating sistema sa edukasyon ngayon ay isa sa mga pinakamababa tungkol sa paggamit ng teknolohiya. Maraming paaralan ang wala nito.


Kaya naman ng pamahalaan natin na mas-ipatupad pa ang paggamit ng teknolohiya sa mga paaralan o sa sistema ng edukasyon sa buong bansa.


Sa paggamit ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon, marami ang nakakabenepisyo dito lalo na ang mga guro , mga estudyante, at maapektuhan ang lahat ng sistema sa edukasyon.


Sa pagtupad nito, maaaring malaking maitutulong ito sa mga guro, dahil palagi silang pagod sa paggawa ng mga sulatin na pwede namang magawa ng madali gamit ang teknolohiya.


At sa paggamit ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon, marami tayong magawa pa para sa ikabubuti ng komunidad. Makaligtas tayo ng mga puno na ginagamit sa paggawa ng papel, at mas maging epektibo ang pagkatuto ng mga estudyante sa araw-araw na pag-eeskwela.

Wednesday, September 11, 2019

Kaibigan, o aking kaibigan.


Unang araw ng eskwela walang makausap. Hindi mo alam ang iyong gagawin at matatakot ka nalang dahil sa itsura o dahil hindi mo alam ang kanilang ugali.


Ilang araw ang nagdaan meron akong nakilala na maraming kaibigan nang akala ko na nakakatakot na mukha ay mabait pala. May joker, guitarista at may singer pa.


May nakilala akong kaibigan na mabait, masipag sa pag-eskwela at pareho kami ng hilig. Maraming mga pagsubok kaming dinadaanan at sa lahat ng mga iyon. kami ay nagtutulungan.


Mga masayang ala-ala ng aming nagawa sa paaralan. Kahit anuman ito kami ay masaya habang naglalakbay kami sa pagsubok ng buhay.


Sa buhay mapa lovelife man o magkaibigan may darating at aalis rin sa lahat ng asaran, sa ilang araw na kasamo mo siya. Darating din ang panahon  na magkahiwalay kayong magkaibigan at ala-ala nalang ang maiwan.

 



"Isang Araw Sa Paaralan"


Ang aga mo nagising. Nagbihis kana at kumain. Pupunta kana sa paaralan sa araw ng lunes. Habang paparoon ka sa paaralan nakita mo na sa malayo ang paaralan. Nag-aalala kana kung ano naman ang mangyayari ngayong araw.


Habang patungo ka sa classroom nyo naalala mo na baka meron kang nakalimutan na assignment o gawain. Nang umabot na sa tuktok naalala mo na nagawa mo na pala lahat at gumiginhawa kana.


Naroon kana sa classroom nyo. Mayroong nagleleksyon sa topic at ang saya mong nakikinig. Naalala mo ang saya pala matuto sa paaralan. Nag-uusap kayo sa inyong mga kaklase kahit hindi makabuluhan ang inyong pinag-uusapan basta masaya lang kayo.


Tumitingin ka sa labas at nag-iisip kana kung ano ang inyong magagawa sa impormasyong natutunan mo ngayong araw at sino ang iyong mapag-usapan. Parang gusto mo nang umuwi.



Pinapapauwi na kayo sa inyong guro. Ang saya-saya mo na marami kang natutunan at pagtingin mo ulit sa paaralan patungo sa labas, nag-iisip kana ano ang matutunan sa susunod na araw.