Pagdating ko doon, ako ay nagandahan na agad sa view palang. Ang sulit na sulit sa mahabang biyahe from Cebu to Catmon. Nakamamangha ang dagat ang kalikasan na kahit saan ka tumingin maganda parin.
Pagdating agad akong nag upo sa lilim ng puno ng niyog dahil doon ay nakakarelaks. Nakita sa muka ko na sulit talaga ang lahat na pinagdaanan para makapunta dito.
Ang lugar nito ay tinatawag na Bercede Bay Resort at malapit lang ito sa kalsada. Ito ay isang pribadong resort at ang ibig sabihin nito ay isa lang na accomodation ang tatanggapin nila at hindi sila tatanggap ng mga walk-in. Ibig sabihin makaka-enjoy kayo kasama ang pamilya at barkada na walang makakagulo sa inyo.
Sa pagsapit ng hapon, makikita mo ang ganda ng karagatan at ang abot-tanaw na makikita kahit saan ka titingin. Makikita mo buong maghapon ang ganda ng paglubog ng araw na nakakabighani.
Masusulit talaga ang araw mo dahil dito kayo lang ng mga mahal sa buhay ang makakasamo mo dito ng walang makakagulo sa inyo. At para sakin ito ang pinakamagandang karanasan ng aking paglalakbay.
Realisasyon:
Malayo man ang iyong mararating, kapag kasama ang pamilya at mga mahalagang tao sa buhay mo, maging maganda ang iyong destinasyon at mapahalagahan mo ang kalikasan na gawa ng ating Diyos.





No comments:
Post a Comment