Wednesday, October 16, 2019

Basura Mo, Itapon Mo

                  Matagal na ang problema sa basura sa City Central National Highschool. Noong grade-7 pa ako andiyan na ang problema sa basura at hanggang ngayon meron pa. Hindi ko alam kung ang problema ay nasa administrasyon o sa mga mag-aaral. Pero ang nararamdaman ko ngayon ay malungkot na malungkot dahil sa pagdating palang sa gate, makikita mo na at maaamoy mo ang mga basura na hindi nakokolekta halos mga ilang linggo na ang nakalipas. Pero karamihan ang napansin ko ang problema pala ay pareho ang administrasyon at ang mga mag-aaral. Makikita mo ang mga estudyante ay magtatapon kahit saan nila komportable. Magtatapon sila sa mga upuan, sa mga hallway, at kahit sa basurahan hindi nila kayang magtapon ng maayos. Ang problema naman sa administrasyon ay hindi maayos ang pamamahala sa mga basura at sa mga estudyante. Ang natutunan ko sa karanasang ito ay dapat tayo ay maging responsable sa ating mga gulo. Bilang estudyante ang magagawa lang ko sa ngayon ay magtatapon ako ng aking basura sa maayos na lugar.

No comments:

Post a Comment