Wednesday, October 16, 2019
Mga Oras ng Kahalagahan
Ang bagong eskidyul na itinatag ng paaralan ay para sakin napakaganda dahil ito nakapagbibigay oras sa umaga na gumawa kami ng mga sariling gawain. Napakaganda rin dahil sa paggising ko ay hindi ako nakukulangan sa tulog dahil sa oras na binigay. Makapagtulong din ako sa aking magulang sa gawaing bahay. Ito ay nakapagbago sa aking sarili na magbigay halaga sa oras na binigay ng paaralan para gawin itong aral para sa ating mga estudyante. Maganda din itong oras na mag-aaral sa paaralan dahil ito ang oras na ang estudyante ay masigla at hindi ma-istress sa pagkikinig sa guro. Hindi na kami mahuhuli sa oras dahil meron na kaming sapat na oras para matulog at kumain ng maaga. Sa limang oras na ito, ito ay nabigyan nakin ng halaga sa pagkalipas ng taon.
Basura Mo, Itapon Mo
Matagal na ang problema sa basura sa City Central National Highschool. Noong grade-7 pa ako andiyan na ang problema sa basura at hanggang ngayon meron pa. Hindi ko alam kung ang problema ay nasa administrasyon o sa mga mag-aaral. Pero ang nararamdaman ko ngayon ay malungkot na malungkot dahil sa pagdating palang sa gate, makikita mo na at maaamoy mo ang mga basura na hindi nakokolekta halos mga ilang linggo na ang nakalipas. Pero karamihan ang napansin ko ang problema pala ay pareho ang administrasyon at ang mga mag-aaral. Makikita mo ang mga estudyante ay magtatapon kahit saan nila komportable. Magtatapon sila sa mga upuan, sa mga hallway, at kahit sa basurahan hindi nila kayang magtapon ng maayos. Ang problema naman sa administrasyon ay hindi maayos ang pamamahala sa mga basura at sa mga estudyante. Ang natutunan ko sa karanasang ito ay dapat tayo ay maging responsable sa ating mga gulo. Bilang estudyante ang magagawa lang ko sa ngayon ay magtatapon ako ng aking basura sa maayos na lugar.
Bawat Patak ay Mahalaga
Ilang buwan na ang nakalipas at ang agos ng tubig dito sa Cebu City ay hindi na normal. Ayon sa MCWD, (Metropolitan Cebu Water District), ang water supplier ng Metro Cebu, ang pangangailan ng lungsod ay nalampasan ang supply sa halos kalahati nito. Malungkot na malungkot ako dahil ito ang pinangunahing pangangailangan sa isang tao. Naaapektuhan din ako sa kakulangan ng tubig at dahil nito, hindi kami makakagamit ng halos buong araw. Natutunan ko na tayo na ay mag tipid at mag isiping mabuti ang paggamit ng tubig. Ang karanasan na ito ay nagbago sa aking pagtingin sa paggamit ng tubig. At simula noon, hanggang ngayon, ako na ay nagtitipid ng tubig sa pagligo, paglalaba, at paghuhugas. Alam ko din na itong karanasan ay meron din malaking tulong sa lungsod ng Cebu City lalo na't sa pagtitipid ng tubig at kung ano man magagamit na mauubos.
Saturday, October 12, 2019
Senior Highschool Students: Dapat Ba Silang Magtrabaho?
Ang paksang ito ay ukol sa pagtatrabaho ng mga Senior Highschool na mag-aaral. Ito ay pinag-usapan sa mga tao lalo na sa mga magulang dahil malaki itong epekto sa kanilang pag-aaral. Ito ay nakakatulong sa pinansyal na mga bagay sa mga mag-aaral pero malaki din itong epekto sa pag-aaral.
Ayon kay Tom Stagliano (2018),"Inatasan namin ang aming mga anak na lalaki tuwing tag-araw. Gayunpaman, nais namin silang lumahok sa higit pang mga aktibidad sa ekstrasurso sa high school at hindi Namin hinikayat silang magtrabaho ng isang part-time na trabaho sa taon ng paaralan. Sapagkat, ang aking asawa at ako, at ang lahat ng aming mga kapatid ay may mga part-time na trabaho sa panahon ng high school academic year. Tulad ng ginawa ng karamihan sa aming mga kaibigan. Himukin ang mga mag-aaral na gawin kung ano ang gumagalaw sa kanila na masigasig at gawin ang lahat ng iyon nang may kagustuhan."
Ayon naman kay Scooter Campbell (2018) Hindi. Ang buong oras ng mag-aaral sa high school ay ang maging isang mag-aaral sa high school. Ang pagiging nasa high school ay tumatagal ng nakararami sa kanilang araw sa parehong paraan bilang isang buong oras na trabaho, at responsable sila sa kanilang paaralan at sa kanilang sarili na pakitunguhan nang seryoso ang pagpapatala na iyon. Ang pagkakaroon ng isang pangalawang full time na trabaho (o kahit na isang part time na trabaho) ay nakakakuha, dahil ang mag-aaral ay naghahain ngayon ng dalawang masters. Ang kanilang amo ay hindi nagmamalasakit sa kanila o sa kanilang pag-aaral. Wala silang pakialam kung mayroon silang term paper o darating na exam. Wala silang pakialam kung gusto nila ng oras na pumunta sa isang partido o konsyerto. Nais lamang nilang gamitin ang mga ito para sa kanilang sariling mga pangangailangan at itapon ang mga ito kapag natapos na ang lahat.
Ang pagtatrabaho ay nakakatulong sa ating pag-aaral lalo na't sa mga lubos na nangangailan. Depende lang lahat ito sa estado ng ating buhay. Pero ang pagtatrabaho ay nakakatulong para maranasan ng isang mag-aaral sa Senior Highschool ang realidad ng mundo.

Ang Pagbabawal sa Killer ng Mundo
Aminin mo, ang plastic bags ay malaking tulong sa ating pagbili kahit ano man ito. Aminin din natin na ito ay nakakasira sa ating kapaligiran lalo na't sa mga mga hayop na naapektuhan sa ating gulo. Ang paksang ito ay tungkol sa pagbabawal ng paggamit ng plastic. Ito ay dapat nang tutulan dahil malaki itong epekto sa ating kapaligiran.
Ayon kay Sutton, Jocelyn (2016), "Hindi lamang ang mga plastic bag ay punan ang aming mga landfill site kung saan mananatili itong magpakailanman, ngunit itinapon ito ng mga tao sa mga kalye. Tumatanggap sila ng mga plastic bag kapag hindi nila kailangan at isang beses sa labas ng mga tindahan ang kumuha ng kanilang mga item at basura ang mga kalye kasama ang mga hindi nais na plastic bag. Ang mga hayop ay maaaring mahuli sa kanila, ang mga aksidente sa motor ay sanhi, at marami ang nagtatapos sa mga puno. Bilang isang lipunan, ipinapakita nito na hindi natin kailangan ang mga plastic bag kung handa nating itapon ang mga ito. Ang mga plastik na bag ay dapat na pagbawalan at mapalitan ng mga bag na hindi namin madaling balewalain."
Ang sabi naman ni Morgan, Keanan (2016) "Sa lahat ng mga kasalanan ng mga supermarket, nakakahiya na ang mga plastic bag ang pangunahing sanhi ng pag-aalala ng mga tao. Mula sa mga tindahan ng pawis, hanggang sa produksyon; mga bagay na may mas maraming mapaminsalang kahihinatnan sa kapaligiran at mga tao kaysa sa maling mga plastic bag. Ang katotohanan ay, ang pagtatalo ng kapaligiran ay isang smokescreen para sa mga tao na humagulgol tungkol sa magkalat. Ang isang mas masigasig na diskarte sa pagiging magulang at pagtuturo ay malulutas nang maayos ang problemang ito."
Ang plastic ay malaking tulong sa ating mga mamimili. Pero nasa mordenong mundo na tayo. Dapat na tayong umasenso sa pagkonsumo gamit ang plastic na binawala lang. Dapat na tayong mag-iisip ng matuwid. Dapat gagawa tayo nang paraan para hindi mawawasak ang kinabukasan ng mundo para sa susunod na henerasyon.

Ang Takdang Aralin Dapat Isanay
Ang paksang ito ay tungkol sa pagtanggal ng takdang aralan sa mga mag-aaral o estudyante. Ito ay matagal nang pinag-usapan sa karamihan dahil ito ay may malaking dulot para sa ating mga mag-aaral. Ang takdang aralin ay malaking tulong para sa mga mag-aaral dahil ito ay nakapagpapatalas ng kaisipan.
Ang takdang aralin ay nakapagtulong para madagdagan ang gawain ng mga mag-aaral na nakapagpapalawak ng kaalaman. Ayon kay Braun, Jerry (2017),Ang takdang aralin ay isang mahalagang at mahalagang bahagi ng edukasyon. Mayroong ilang oras lamang sa bawat araw ng paaralan - hindi sapat na oras upang masakop nang maayos ang lahat ng mga paksang dapat pag-aralan ng mga bata. Ang pagtatakda ng araling-bahay ay nagpapalawak ng pag-aaral na lampas sa mga oras ng paaralan, na nagpapahintulot sa isang mas malawak at mas malalim na edukasyon. Ginagawa din nito ang pinakamahusay na paggamit ng mga guro, na maaaring gumastos sa oras ng pagtuturo sa aralin kaysa sa pangangasiwa lamang ng indibidwal na gawain na maaaring gawin sa bahay. Ang mga gawain tulad ng pagbabasa, pagsusulat ng sanaysay, pagsasaliksik, paggawa ng mga problema sa matematika, atbp.
Ayon naman sad kay Lowry, Mica, Ang araling-bahay ay may kaunting halaga sa edukasyon at walang pagdaragdag sa oras na ginugol sa paaralan. Ang ilang mga paaralan at ilang mga bansa ay hindi nag-abala sa araling-bahay, at ang kanilang mga resulta ay hindi tila nagdurusa dito. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga takdang aralin ay hindi nagdaragdag ng wala sa mga pamantayan na mga marka ng pagsubok para sa mga pangunahing mag-aaral sa elementarya. Ang mga internasyonal na paghahambing ng mga matatandang mag-aaral ay walang natagpuan na positibong ugnayan sa pagitan ng halaga ng set ng araling-bahay at average na mga marka ng pagsubok. Kung mayroon man, ang mga bansa na may mas maraming araling-bahay ay nakakakuha ng mas masahol na mga resulta!
Hindi natin masasabi na ang takdang aralin ay lubos na nakakatulong. Pero alam nating lahat na ito'y nakakapagpalawak ng kaalaman at nakakapagpatalas ng kaisipan. Imbes tanggalin ito, dapat ang pagbibigay ng takdang aralin ay liitan para hindi ma-stress ang mga mag-aaral. Dapat hindi tanggalin ang takdang aralin dahil ito ay isang malaking bahagi sa pag-aaral.
Friday, September 20, 2019
Pagtakas Namin sa Mini-Santorini ng Cebu
Pagdating ko doon, ako ay nagandahan na agad sa view palang. Ang sulit na sulit sa mahabang biyahe from Cebu to Catmon. Nakamamangha ang dagat ang kalikasan na kahit saan ka tumingin maganda parin.
Pagdating agad akong nag upo sa lilim ng puno ng niyog dahil doon ay nakakarelaks. Nakita sa muka ko na sulit talaga ang lahat na pinagdaanan para makapunta dito.
Ang lugar nito ay tinatawag na Bercede Bay Resort at malapit lang ito sa kalsada. Ito ay isang pribadong resort at ang ibig sabihin nito ay isa lang na accomodation ang tatanggapin nila at hindi sila tatanggap ng mga walk-in. Ibig sabihin makaka-enjoy kayo kasama ang pamilya at barkada na walang makakagulo sa inyo.
Sa pagsapit ng hapon, makikita mo ang ganda ng karagatan at ang abot-tanaw na makikita kahit saan ka titingin. Makikita mo buong maghapon ang ganda ng paglubog ng araw na nakakabighani.
Masusulit talaga ang araw mo dahil dito kayo lang ng mga mahal sa buhay ang makakasamo mo dito ng walang makakagulo sa inyo. At para sakin ito ang pinakamagandang karanasan ng aking paglalakbay.
Realisasyon:
Malayo man ang iyong mararating, kapag kasama ang pamilya at mga mahalagang tao sa buhay mo, maging maganda ang iyong destinasyon at mapahalagahan mo ang kalikasan na gawa ng ating Diyos.
Thursday, September 19, 2019
Masayang Paglalakwatsa sa Paraiso
Parang ito na ang aking pinakamasaya na karanasan sa mga lakbay na aming na nagawa at mga lugar na napuntahan. Dahil dito sa Bantayan Island, mararanasan mo ang lakbay ng iyong buhay.
Una, pumunta kami sa Virgin Island pagkatapos naming mag check-in. Sa pagdating namin sa Virgin Island, naalala ko na ang sinasabi nila sa lugar na ito at ito pala ay totoo. Mala paraisong lugar at napakabughaw ng karagatan, ang sarap sa pakiramdam kasama ang barkada.
Sa kalinawan sa tubig, napapatalon akong paulit-ulit sa sobrang saya. Sa maikling oras makalimutan mo na ang iyong mga problema ng buhay. Nag island-hopping kami dito sa Bantayan Island at buong araw kami lumilibot sa isla.
Naniniwala ako sa kasabihang "Happy people are the best people" dahil dito mawawala ang inyong mga problema sa buhay kahit saglit lang at mararanasan mo ang pinakasayang karanasan sa iyong buhay.
Sa pagsapit ng hapon, bumalik kami sa Ogtong Cave-Resort na aming na check-in. Ang grabe sa karanasan na ito, maraming ala-ala ang nagawa kasama ang barkada at hindi namin malilimutan magpakailanman.
Realisasyon:
Kapag nandito ka sa ganitong lugar, mawawala ang mga bagay na pumoproblema sa atin. Pero kahit saan kayo mapadpad, kapag kasama ang pamilya, hindi na mahalaga ang lugar na mapupuntahan dahil maging paraiso ang lahat ng lugar kapag kasama ang mga mahal sa buhay.
Thursday, September 12, 2019
"Teknolohiya Sa Pag-eeskwela"
Ang ating sistema sa edukasyon ngayon ay isa sa mga pinakamababa tungkol sa paggamit ng teknolohiya. Maraming paaralan ang wala nito.
Kaya naman ng pamahalaan natin na mas-ipatupad pa ang paggamit ng teknolohiya sa mga paaralan o sa sistema ng edukasyon sa buong bansa.
Sa paggamit ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon, marami ang nakakabenepisyo dito lalo na ang mga guro , mga estudyante, at maapektuhan ang lahat ng sistema sa edukasyon.
Sa pagtupad nito, maaaring malaking maitutulong ito sa mga guro, dahil palagi silang pagod sa paggawa ng mga sulatin na pwede namang magawa ng madali gamit ang teknolohiya.
At sa paggamit ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon, marami tayong magawa pa para sa ikabubuti ng komunidad. Makaligtas tayo ng mga puno na ginagamit sa paggawa ng papel, at mas maging epektibo ang pagkatuto ng mga estudyante sa araw-araw na pag-eeskwela.
Wednesday, September 11, 2019
Kaibigan, o aking kaibigan.
Unang araw ng eskwela walang makausap. Hindi mo alam ang iyong gagawin at matatakot ka nalang dahil sa itsura o dahil hindi mo alam ang kanilang ugali.
Ilang araw ang nagdaan meron akong nakilala na maraming kaibigan nang akala ko na nakakatakot na mukha ay mabait pala. May joker, guitarista at may singer pa.
May nakilala akong kaibigan na mabait, masipag sa pag-eskwela at pareho kami ng hilig. Maraming mga pagsubok kaming dinadaanan at sa lahat ng mga iyon. kami ay nagtutulungan.
Mga masayang ala-ala ng aming nagawa sa paaralan. Kahit anuman ito kami ay masaya habang naglalakbay kami sa pagsubok ng buhay.
Sa buhay mapa lovelife man o magkaibigan may darating at aalis rin sa lahat ng asaran, sa ilang araw na kasamo mo siya. Darating din ang panahon na magkahiwalay kayong magkaibigan at ala-ala nalang ang maiwan.
"Isang Araw Sa Paaralan"
Ang aga mo nagising. Nagbihis kana at kumain. Pupunta kana sa paaralan sa araw ng lunes. Habang paparoon ka sa paaralan nakita mo na sa malayo ang paaralan. Nag-aalala kana kung ano naman ang mangyayari ngayong araw.
Habang patungo ka sa classroom nyo naalala mo na baka meron kang nakalimutan na assignment o gawain. Nang umabot na sa tuktok naalala mo na nagawa mo na pala lahat at gumiginhawa kana.
Naroon kana sa classroom nyo. Mayroong nagleleksyon sa topic at ang saya mong nakikinig. Naalala mo ang saya pala matuto sa paaralan. Nag-uusap kayo sa inyong mga kaklase kahit hindi makabuluhan ang inyong pinag-uusapan basta masaya lang kayo.
Tumitingin ka sa labas at nag-iisip kana kung ano ang inyong magagawa sa impormasyong natutunan mo ngayong araw at sino ang iyong mapag-usapan. Parang gusto mo nang umuwi.
Pinapapauwi na kayo sa inyong guro. Ang saya-saya mo na marami kang natutunan at pagtingin mo ulit sa paaralan patungo sa labas, nag-iisip kana ano ang matutunan sa susunod na araw.
Subscribe to:
Comments (Atom)