Wednesday, September 11, 2019

"Isang Araw Sa Paaralan"


Ang aga mo nagising. Nagbihis kana at kumain. Pupunta kana sa paaralan sa araw ng lunes. Habang paparoon ka sa paaralan nakita mo na sa malayo ang paaralan. Nag-aalala kana kung ano naman ang mangyayari ngayong araw.


Habang patungo ka sa classroom nyo naalala mo na baka meron kang nakalimutan na assignment o gawain. Nang umabot na sa tuktok naalala mo na nagawa mo na pala lahat at gumiginhawa kana.


Naroon kana sa classroom nyo. Mayroong nagleleksyon sa topic at ang saya mong nakikinig. Naalala mo ang saya pala matuto sa paaralan. Nag-uusap kayo sa inyong mga kaklase kahit hindi makabuluhan ang inyong pinag-uusapan basta masaya lang kayo.


Tumitingin ka sa labas at nag-iisip kana kung ano ang inyong magagawa sa impormasyong natutunan mo ngayong araw at sino ang iyong mapag-usapan. Parang gusto mo nang umuwi.



Pinapapauwi na kayo sa inyong guro. Ang saya-saya mo na marami kang natutunan at pagtingin mo ulit sa paaralan patungo sa labas, nag-iisip kana ano ang matutunan sa susunod na araw.

1 comment: