Parang ito na ang aking pinakamasaya na karanasan sa mga lakbay na aming na nagawa at mga lugar na napuntahan. Dahil dito sa Bantayan Island, mararanasan mo ang lakbay ng iyong buhay.
Una, pumunta kami sa Virgin Island pagkatapos naming mag check-in. Sa pagdating namin sa Virgin Island, naalala ko na ang sinasabi nila sa lugar na ito at ito pala ay totoo. Mala paraisong lugar at napakabughaw ng karagatan, ang sarap sa pakiramdam kasama ang barkada.
Sa kalinawan sa tubig, napapatalon akong paulit-ulit sa sobrang saya. Sa maikling oras makalimutan mo na ang iyong mga problema ng buhay. Nag island-hopping kami dito sa Bantayan Island at buong araw kami lumilibot sa isla.
Naniniwala ako sa kasabihang "Happy people are the best people" dahil dito mawawala ang inyong mga problema sa buhay kahit saglit lang at mararanasan mo ang pinakasayang karanasan sa iyong buhay.
Sa pagsapit ng hapon, bumalik kami sa Ogtong Cave-Resort na aming na check-in. Ang grabe sa karanasan na ito, maraming ala-ala ang nagawa kasama ang barkada at hindi namin malilimutan magpakailanman.
Realisasyon:
Kapag nandito ka sa ganitong lugar, mawawala ang mga bagay na pumoproblema sa atin. Pero kahit saan kayo mapadpad, kapag kasama ang pamilya, hindi na mahalaga ang lugar na mapupuntahan dahil maging paraiso ang lahat ng lugar kapag kasama ang mga mahal sa buhay.





50/50
ReplyDelete