Ang ating sistema sa edukasyon ngayon ay isa sa mga pinakamababa tungkol sa paggamit ng teknolohiya. Maraming paaralan ang wala nito.
Kaya naman ng pamahalaan natin na mas-ipatupad pa ang paggamit ng teknolohiya sa mga paaralan o sa sistema ng edukasyon sa buong bansa.
Sa paggamit ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon, marami ang nakakabenepisyo dito lalo na ang mga guro , mga estudyante, at maapektuhan ang lahat ng sistema sa edukasyon.
Sa pagtupad nito, maaaring malaking maitutulong ito sa mga guro, dahil palagi silang pagod sa paggawa ng mga sulatin na pwede namang magawa ng madali gamit ang teknolohiya.
At sa paggamit ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon, marami tayong magawa pa para sa ikabubuti ng komunidad. Makaligtas tayo ng mga puno na ginagamit sa paggawa ng papel, at mas maging epektibo ang pagkatuto ng mga estudyante sa araw-araw na pag-eeskwela.





Lohikal ang pagkakasunod-sunod.
ReplyDelete50/50